LITERARY SECTION this is page15this ispage15 Page 15

Barkadahang Subok na sa Katatagan

Ni Felita Caliboso


Isang samahang nabuo sa eskwelahan,

Matibay at siguradong subok na sa katatagan.

Isang barkadahang baduy kung minsan,

Ngunit ni minsa’y hindi naman naging talunan.


Oo nga’t ala Pokwang kami ‘pag naghahalakhakan,

Mukhang Sponge Bob ‘pag nagngingitian.

Maging Melai sa ka-OA-an,

Manny Paquiao naman kami sa katatagan.


Mariel R. man ang tono pag’ nag-aawitan,

Mommy Dionisia man ang indak ‘pag nagsasayawan.

Kahit ang ilan ay napipilitan,

Nagiging Kuya Kim naman ‘pag kaalaman ang pinag-uusapan.


Oo nga’t hindi kami kasing lakas ni Naruto sa labanan,

Di kasinggaling ni Anne Curtis sa rampahan.

Naihahambing man kay Dabiana ang aming mga katawan,

Adventure naman ni Dora ang aming nararanasan.


‘Di kami artistang naturingan,

Wala kaming espesyal na kaalaman.

Wala kami sa mundong puno ng kapantasyahan,

Charice Pempengco naman kami sa katanyagan.


Kaya sa kaligayahang aming nararanasan,

Problema nami’y biglang nalulunasan.

Sabihin man ngayon ng harap-harapan,

May papantay pa ba sa nabuo naming samahan?


The Last Goodbye

By Cristen Ivy B. Marcelo


In the cold winter between October and November,

There was this one dog whose name was ‘Summer.’

He was shaking and tired but was waiting still,

He didn’t care about his aching legs and followed his will,

What or who was he waiting for? You may ask,

For he was waiting for his Master ‘Dr. Mask,’

Dr. Mask is a very busy doctor you see

But you don’t really know if he is a she.


The people noticed that he has been waiting there for days,

But some just said, ‘Let him be that way!’

Some people gave him food and water,

But Summer declined and still waited for his Master,

Some said that he should just go home and rest,

But for Summer, waiting for his Master is still the best!


After a few weeks, Dr. Mask has arrived,

Putting his bag down while having a cry.

He saw Summer who was very hungry and thirsty indeed,

He looked at his Master and gave him a seed,

His Master was confused but why a seed?

Because that was his and Summer’s last goodbye,


Now the continuation is left undone you see,

Because that is up to you and me.



_________________________________________

Estudyante Ka Ba?

By Eloisha B. San Miguel

Sa tuwing sasakay tayo sa jeep, lagi nating sinasabi na "Manong, estudyante lang po." Marahil ay para makakuha tayo ng diskwento sa pamasahe, pero estudyante ka ba sa kilos at pananalita o estudyante ka lang dahil naka-uniporme ka? Sa panahon natin ngayon, maraming kabataan ang maririnig nating nagsasalita ng mga salitang hindi kanais-nais o 'yung tinatawag nating salitang balbal. Ang mga salitang ito ay hindi nawawala sa pang-araw-araw nilang pakikipag-usap, 'ika nga nila ?Bukabularyo


Ang mga ito ay sanhi lamang ng iba‘t ibang bagay at isa na rito ang pagtambay nila ng mas mahabang oras kaysa pu-masok sa klase. Sa kadahilanang ito, mas pinag-iigihan pa ng mga guro at ng mga magulang na mahikayat ang mga kabataan na pumasok sa klase at upang makalaya sila sa iba‘t-ibang masasamang bisyo.


Isa sa mga hakbang ng gobyerno katulong ang mga magulang ay ang pagsasagawa ng mga recreational activities at sports na tiyak na magugustuhan natin. Bilang mga kabataan, dapat naman isiping mabuti kung sila ba ay may mabuting maidudulot sa‘tin o dadalhin lang tayo sa kapahamakan.